I was born to be somebody, I was born to be, and this world will belong to me.
I am MARINELA KRIZIA MAE CABALLERO. Zhia is my nickname. I'm Filipina. 16 years old.
I love Justin Bieber. He's my husband. I like Albie Casiño. He's my boyfriend. They are my addiction. I'm a dreamer, good friendly, and a bad enemy. I'm not popular, and I don't want to be.
ISA LANG PANGARAP KO. MAGING PANGARAP NG PRINCE CHARMING KO. ♥
Marinela Krizia Mae Caballero | Create your badge
Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
PAG IBIG NA KAYA
Tauhan:
Rachel Marie Santos – babaeng masungit pero napalambot ang puso.
Ashley Ava Ocampo – pinagkakaguluhan ng lalaki sa skul. Best friend ni Rachel
John Kevin Santiago – ang lalaking magpapalambot ng puso ni Rachel.
Faye De Leon – madldal at tsismosa nilang kaklase.
Rizza Corpuz – anak ng principal sa school nila.
Mrs. Corpuz – principal ng school
Host
Joan Mallari – kaklase
Mrs. Carlos – guro ng Filipino
Mrs. Santos – ina ni Rachel
Dra. Isabel- doktora na nanay ni Kevin
Justin Baustista – dating kasintahan ni Rachel
Miggy De Guzman – manliligaw ni Ashley
Scene 1
Unang araw ng klase sa isang paaralan, habang si Rachel ay nagmamadaling naglalakad dahil siya ay huli na para sa unang subject, may nakabunggo sa kanya. At lahat ng libro na hawak niya aay nahulog. Hindi na niya naisipang tignan kung sino ang nakabunggo sa kanya. Agad agad niyang pinulot ang mga libro. Habang pinupulot niya ang kanyang mga libro, may nakita siyang kamay na humawak sa kanyang mga librong nahulog. Tinulungan siyang pulutin ito. Sabay silang tumayo at agad binalik ng lalaki ang mga librong kanyang pinulot. Biglang nagsalita ang lalaki…
Kevin: Walang anuman. ( at ngumiti)
Nakatulala lang si Rachel sa mukha ng lalaki dahil napakagwapo nito. Nahimasmasan lang si Rachel nang biglang tumunog ang bell. Agad umalis si Rachel dahil late na siya. Hindi na ito nakapagpasalamat. Pagdating ni Rachel sa classroom, umupo na lang at nanahimik dahil pagod na pagod siya sa kakatakbo. Habang siya ay nagpapahinga, biglang nagtilian ang mga kaklase niyang mga babae.At lumapit sa pintuan.
Kaklase: Ahhhh. ( tili na kinikilig)
Nagtaka siya kaya tumingin siya sa pintuan. Nakita niya ang lalaking tumulong sa kanya sa pagpulot ng kanyang libro. Nagulat si Rachel. Bumalik na sa pwesto ang mga kaklase niya nang dumating ang kanilang guro na si Mrs. Carlos. Ipinakilala niya ang gwapong lalaki.
Mrs. Carlos: Magandang Umaga, class. Gusto kong ipakilala sa inyo si Mr. John Kevin Santiago. Ang bago niyong kaklase.
Agad namang sumagot ang mga kaklase ni Rachel.
Kaklase: Ikinagagalak ka naming makilala. Tuloy ka sa aming sekyon.
At sila ay nagtilian. Biglang may sumigaw naman na babae. Ito si Joan. Ang pinakamagulo nilang kaklase.
Joan: Ang gwapo mo naman, John Kevin!
Kevin: Salamat!
Pinaupo na ni Mrs. Carlos si Kevin. Ipinwesto si Kevin sa upuang katabi ni Rachel. Nagturo na si Mrs. Carlos.
Mrs. Carlos: ilabas ang libro at buksan sa pahina ika-sampo. Sagutan ang pagsasanay. Sa pagsasanay na ito ay malalaman natin kung nakinig kayo sa akin.
Nang nainip na si Kevin dahil tapos na siyang sagutan ito, dali dali itong humarap kay Rachel at nagsalita.
Kevin: Walang anuman.
Nagtaka si Rachel sa sinabi ni Kevin.
Rachel: Ano? Bakit?
Kevin: Ako pala si John Kevin Santiago. Pwede mo akong tawagin na Kevin. Nagmamadali ka kanina kaya hindi ka nakapagpasalamat. Alam ko naming gusto mong magpasalamat kaya nagWelcome na ako.
Gusto naman talaga ni Rachel na mag thank you. Kaso napakayabang ata nitong si Kevin. Nainis ito sa kanya. Lalo na yung mga sinabi niya.
Rachel: Mr. John Kevin Santiago, hinding hindi ako magpapasalamat sayo. At hinding hindi ko gagawin yun! Parang dapat humingi ka ng paumanhin sa akin. Ikaw ang nakabunggo sa akin, kaya nahulog ang mga libro ko at ikaw ang dahilan kung bakit muntik na akong nahuli sa aking klase! Kaya paumanhin ha!
Napatingin ang mga kaklase nila pati na rin si Mrs. Carlos. Nagalit ang guro.
Mrs. Carlos: Ms. Santos, bakit ka sumisigaw diyan? Mayroon akong pinapasagot diba!?
Agad namang sumagot si Kevin at ipinagtanggol si Rachel.
Kevin: Paumanhin po Mrs. Carlos, pero po ako ang may kasalaman. Tinatanong kop o kung pwede pong humiram ng pansulat sa kanya.
Mrs. Carlos: Sige Mr. Santiago. Papalampasin kita ngayon dahil bago kang mag aaral dito. Pero huwag niyo ng uulitin. Sige, maupo na kayo.
Kevin at Rachel: Salamat po.
Scene 2
Nagbell na rin. Nagsilabasan na ang mga estudyante. Si Kevin ay sumama sa mga bago niyang mga kaibigan na lalaki. At si Rachel ay pumunta na sa canteen kung saan sila magkikita ni Ashley. Si Ashley ang matalik na kaibigan ni Rachel. Si Ashley ay isa sa mga sikat nna babae sa kanilang paaralan habang si Rachel naman ay ordinaryong estudyante lamang. Huli ng nagising si Ashley kaya hindi na siya pumasok sa una nilang klase. Pagdating ni Rachel sa canteen ay nakita na niya si Ashley. Hindi maitatanggi ni Rachel na napakaganda ng kanyang kaibigan. Kaya madaming nagkakagusto at humahanga sa kanya. Nagbeso beso sila.
Ashley: Hello, Rachel. Kamusta?
Rachel: Heto, ayos naman. Alam mo bang may bago tayong kaklase. Gwapo sana kaso mayabang.
Ashley: Hahahaha! Ikaw naman. Baka sa umpisa lang.
Nanahimik na lang si Rachel dahil ayaw na niya itong pag usapan. Naiinis lang siya dahil si Kevin ang nagsira ng araw niya.
Scene 3
Pagbalik nila sa Classroom. Itinuro ni Rachel kay Ashley si Kevin. Nakita ni Kevin ang pagturo ni Rachel sa kanya kaya nilapitan niya ang dalawang magkaibigan.
Kevin: Hello sa inyo, mga binibini.
Ashley: Hello. Ikaw yung bago naming kaklase diba? Ako pala si Ashley.
Kevin: Ikinagagalak kong makilala ka.
Nagkangiti sila sa isa’t isa at nagkatitigan. Parang nakita nila sa isa’t isa ang pag ibig. Binasag ni Rachel ang katahimikan.
Rachel: tara na, Ashley. Pumunta na tayo sa ating upuan. Huwag mong pag aksayahan ng oras yang lalaking yan.
Sumunod na si Ashley kay Rachel. Napangiti na lang si Kevin sa inasta ni Rachel. Nang magbell na, pumunta na sila sa kanya kanya nilang upuan. Hinihintay nila ang guro nila sa matematiks. Hindi makaconcentrate si Rachel. Naiirita siya sa katabi niyang si Kevin. Biglang kinalbit ni Kevin si Rachel. Napatingin si Rachel kay Kevin. Bigla itong kinausap.
Kevin: Hello, Rachel. Bakit ang sungit mo? Meron ka no?
Rachel: (nagulat sa sinabi ni Kevin) Ang kapal ng mukha mo para tanungin sa akin iyan! Ang yabang mo talaga.
Kevin: Rachel, hindi ako mayabang no. Hahaha. Masama bang magtanong? Magkaibigan naman tayo diba?
Rachel: Kevin, wag kang umasang magiging magkaibigan tayo. Tama na. Hindi na nakakatuwa.
Kevin: Sorry. Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Alam ko mabait ka. Masungit ka lang kasi gwapo ako. :D
Tinalikuran na lang ni Rachel si Kevin. Habang si Kevin, tumatawa mag isa. Tuwang tuwa siya kasi napipikon na si Rachel.
Scene 4
Oras na para kumain ng pananghalian. Habanag magkasama sina Rachel at Ashley, napag usapan nila ang tungkol kay Kevin.
Ashley: Uy! Ang gwapo ni Kevin noh? Gusto ko siyang maging kaibigan.
Rachel: Ay nako. Gwapo nga siya, masungit naman. Huwag mo ng pangarapin. Hindi moa ta makakausap ng matino yun e.
Ashley: Ang sama mo naman. Nanghuhusga ka na agad. Akala mo lang yan. Basta tulungan mo akong maging kaibigan siya ha. Magkatabi kasi kayo sa upuan. Kung sana ako na lang.
Rachel: Ay nako, Ashley. Sige, para sayo. Basta gagawa ako ng paraan para maging magkaibigan kayo.
Ashley: Salamat! Maasahan ka talaga. Kaya kaibigan kita e.
Rachel: Bilisan na natin ang pagkain nito. Uuwi na tayo e. Wala daw yung mga guro natin kasi may miting.
Scene 5
Pagkatapos nilang kumain ay umalis na rin sila. Sabay umuwi sina Rachel at Ashley dahil malapit lang ang tirahan nila kaya pwede na itong lakarin. Patawid na sila nang biglang may papalapit na sasakyan sa kanila. Itinulak ni Rachel si Ashley para hindi masagasaan. Si Rachel ang nabunggo. Nawalan ito ng malay kaya agad itong itinakbo sa ospital.
Scene 6
Pag gising ni Rachel, isang babae lang nakita niya.
Rachel: Nasaan ako?
Dra. Isabel: Iha, ako ang doctor mo. Nandito ka sa hospital. Nabangga ka ng sasakyan kaninang tumawid kayo ng kaibigan mo. Hindi mo ba naaalala?
Rachel: Naaalala na po.
Gusto niyang umupo sa pagkakahiga pero hindi niya magalaw ang mga paa niya. Bigla namang pinigilan ng doctor si Rachel.
Dra. Isabel: Iha, huwag ka munang gumalaw. May pilay ang dalawa mong paa. Halos isang buwan ka dapat magpatherapy para makabalik ka sa paglalakad.
Napaluha si Rachel sa sinabi ng Doctor. Hindi niya tanggap na hindi siya makakalakad ng isang buwan. Naawa siya sa kanyang sarili.
Rachel: Sino ba kasi ang nakabaangga sa akin? ( umiiyak)
Dra. Isabel: Iha, sorry talaga. Anak ko ang nakabangga sayo. Akon a ang humihingi ng sorry sayo. Lahat ng gagastusin mo dito ay libre na lahat.
Rachel: Ano po bang pangalan ng anak niyo?
Dra. Isabel: Papunta na rin naman siya kaya siya na lang ang magpapakilala sayo para makapagsorry na rin siya ng personal. Yung babaeng kasama mo kanina, siya na ang sumagot lahat ng tanong ng nars kanina. Magpahinga ka na, iha.
Nagpahinga na lang si Rachel. At umalis na ang doctor. Makalipas ang isang oras, may nagbukas ng pinto. Dinilat ni Rachel ang kanyang mga mata. Nagulat siya sa kanyang nakita.
Rachel: Kevin? Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito? Pagtitripan mo nanaman ako?
Kevin: Uhmm. Rachel, may sasabihin ako sayo.
Rachel: Kung bibwisitin mo lang ako, umalis ka na! Kanino mo nalaman na nadito?
Kevin: Yun nga yung sasabihin ko sayo ngayon e. Uhmm. (huminga ng malalim) Ako… Ako…
Rachel: Ikaw? Ano? Diretsuhin mo na ako.
Kevin: Ako yung nakabangga sayo.
Nagulat si Rachel. Napaluha na lang siya at hindi na makapagsalita. Hinawakan ni Kevin nag likod ni Rachel.
Kevin: Patawarin mo ako. Di ko sinasadya. Hindi kita nakita agad kaya…
Rachel: tama na! Sinira mo na plano ko. Hindi na ako makakasama sa dance competition! (Umiiyak)
Nagulat si Kevin sa sinabi ni Rachel.
Kevin: Kaya nga nagsosori na ako ngayon e! Kung tutuusin, ikaw ang may kaasalanan kung bakit ka napilay. Tatawid ka kasi, kung ano ano ang tinitignan mo tapos…
Tinigil niya ang pagsasalita. Nakita niya ang lungkot sa mukha ni Rachel. Hindi na siya nagsalita at umupo na lang. habang si Rachel, lumuluha pa rin. May kumatok sa pinto. Ito ang doktora na nanay ni Kevin. Lumapit si Kevin para buksan ang pinto. Pagbukas niya ay nagbeso beso sila.
Dra. Isabel: nandito ka na pala, Iho. Nakapagsorry ka na ba kay Rachel?
Kevin: Opo. Pero ayaw niyang tanggapin ang sorry ko.
Dra. Isabel: Anak, baliw ka ba? Alam mo naman na nasaktan mo siya. Iba kaming mga babae, anak. Dapat suyuin mo siya.
Ang doktora ay ay nagtungo kung saan nakahiga si Rachel. Kinausap niya ito.
Dra. Isabel: Iha, Okay ka na ba? Bilang ganti sa ginawa ng anak ko, si Kevin ang magiging alalay mo. Napagkaalaman kong pareho kayo ng pinapasukang eskwelahan, kaya mababantayan ka niya ng maayos.
Kevin: Mama! Grabe naman. Sayang itong kagwapuhan ko kung magiging alalay niya lang ako.
Dra. Isabel: Anak, yung sinabi ko kanina. Parusa mo yan. Good luck!
Umalis na ang ina ni Kevin. Iniwan niya si Rachel at Kevin sa kwarto. Nilapitan ni Kevin si Rachel.
Kevin: Uyy. Rachel naman, sorry na. Patawarin mo na ako. Kaya kong bilhin sayo lahat, huwag mo lang akong maging alalay.
Rachel: Narinig mo naman siguro ang sinabi ng Mama mo? Isang buwan kitang magiging alalay.
Nainis si Kevin sa sinabi ni Rachel. Tumahimik na lang siya sa tabi. Baka kung anong sabihin niya. Baka makasakit pa siya ng iba.
Rachel: Oh? Hindi ka na nakapagsalita. Alam mo ng may kasalanan ka. Hahaha. Kung hindi ka tanga, hindi mo ako mababangga.
Kevin: SIge. Ako na ang tanga. Isang buwan lang naman e. gusto mo pala ang sinabi ni Mama. Pinasok mo ito, huwag kang aatras. Hahaha. By the way, itext mo na lang ako kapag may kailangan ka.
Rachel: Oo nga pala. Ibigay mo nga sa akin yung cellphone ko.
At iniabot ni Kevin yung cellphone. Habang nagbabasa ng mga mensahe si Rachel, biglang nagsalita si Kevin.
Kevin: nabasa ko yung mga ibang messages. Wala akong ginagawa kanina kaya kinalkal ko. May boyfriend ka pala? Si Justin? Justin bay un?
Rachel: Ahh. Pakelamero. Si Justin nga. Dati ko yung kasintahan.
Kevin: E bakit ang sweet ng mgaa text niya sayo? Deny ka pa.
Rachel: Huwag ka na ngang matanong. Magkaibigan ba tayo? Tandaan mo, alalay kita. A-LA-LAY.
Hindi na nakasagot si Kevin. Bigla kasing dumating ang ina at dalawang kapatid ni Rachel kasama si Ashley. Agad namang nilapitan ni Ashley si Rachel. Nagmano naman si Kevin sa ina ni Rachel.
Ashley: Kamusta ka na?
Rachel: Heto, okay na. Kaso naiinis ako kasi hindi na ako makakasali sa paligsahan sa susunod na linggo.
Ashley: Okay lang yan.Suportahan mo na lang ako at yung ibang sasali.
Ngumiti na lang si Rachel. Lumabas na ng kwarto si Kevin. Kinamusta ng ina si Rachel. Doon na din natulog ang pamilya paara maalagaan ang anak. Umuwi na si Ashley dahil may pasok ba bukas. Kinabukasan, maagang dinalaw ni Kevin si Rachel. Nang pumasok si Kevin sa kwarto, gising na si Rachel.
Kevin: magandang umaga sa iyo, pilay na dilag. Rosas oh. Para sayo…
Rachel: (kinuha ang rosas) An gaga aga binibwisit mo nanaman ako! Alalay!
Kevin: Shhh. Tahimik. Ang lakas ng boses mo. Napuyat na nga pamilyaa mo kakabantay sayo, gigisingin mo pa. Chill. Huwag kang magalit. Alam kong nagtatampo ka dahil hindi ako ang nag alaga sayo.
Rachel: Asa ka pa.
Kevin: Sabi pala ni Mama, pwede ka ng umuwi ngayon. Tapos pwede ka ng pumasok bukas.
Rachel: Okay. Paano ako papasok bukas? Pilay ako diba?
Kevin: May wheelchair naman diba? Baka gusto mo buhat buhat pa kita. Hahaha. Sige, alis muna ako. Kunin ko muna yung wheelchair mo sa kwarto ni Mama.
Lumabas na si Kevin sa kwarto ni Rachel. Pumunta na siya sa kwarto ng Mama niya. Naabutan niya ang Mama niya na may ginagawa.
Dra. Isabel: Hi Anak. Nasabi ko na sayo na pwede ng pumasok si Rachel bukas diba? Alagaan mo siya ah? Pero huwag kang masyadong mapalapit sa kanya. Kilala kita.
Kevin: Pagkatiwalaan mo ako, Ma. Kukunin ko na po yung wheelchair. Una na po ako.
Dra. Isabel: Sige Iho.
Bumalik na si Kevin sa kwarto ni Rachel. Gising na ang ina ni Rachel.
Kevin: Tita, maghanda na po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa bahay niyo.
Mrs. Santos: Ayos na ang lahat. Naihanda ko na kagabi bago kami matulog. Tara na.
Binuhat ni Kevin si Rachel para makaupo sa wheelchair. Habang bumabyahe sila, masayang kasama ang pamilya ni Rachel. Laging may jokes. Nagtataka nga si Kevin kung bakit ang sungit ni Rachel. Naihatid na si Rachel sa bahay nila. Pinameryendahan pa si Kevin bago ito umalis.
Scene 7
Nagsimula na ang araw ng pagiging alalay ni Kevin. Sinundo niya si Rachel sa bahay nila. Pagdating sa eskwelahan, ang daming nakatingin sa kanila. Yung iba, naaawa sa kalagayan ni Rachel. Yung iba, kinikilig dahil akala nila magkasintahan na silang dalawa. Dumiretso na sina Kevin at Rachel sa klasrum nila. Pagkaupo ni Rachel sa upuan niya, umalis muna si Kevin. May lumapit sa kanyang babae. Ito si Faye de Leon. Isa sa mga pinakamadaldal at tsismosa nilang kaklase.
Faye: magandang umaga, Magsyota ba kayo ni Kevin?
Rachel: Hindi no. Alalay ko lang yun.
Faye: Oh!? Talaga!? Alalay!? Ang gwapo pa naman pero alalay mo lang. Kala ko mayaman.
Rachel: Wala akong sinabing hindi siya mayaman ah. Mahabang kwento. Hindi mo rin maiintindihan.
Faye: Okay po. Sige. Alis na ako. Puntahan ko lang yung mga kabarkada ko.
Tumango na lang si Rachel. Lumapit sa kanya si Ashley.
Ashley: Buti nakapasok ka na?
Rachel: Ayaw mo ba?
Ashley: Syempre gusto ko. Pero dapat nagpapahinga ka pa lang.
Rachel: Ayaw ko kasing mahuli sa mga lessons. Alam mo naman na humahabol ako as valedictorian.
Ashley: Oo nga pala. Buti ka pa matalino. Habanag ako..
Rachel: Huwag mong maliitin ang sarili mo. Malay mo makahabol ka. Think positive.
Scene 8
Pag uwi ni Rachel sa bahay nila, biglang tumunog ang cellphone niya ng kantang “Baby by Justin Bieber”. May tumatawag. POGI ang name sa cellphone niya. Nagtaka ito kaya sinagot niya.
Rachel: Sino ba ito?
Kevin: Ako ito. Si Pogi. Ang sungit mo.
Rachel: Pogi? Ay nako. Kevin, huwag mo akong pagtripan. Madami pa akong gagawin. Paalam.
Kevin: Sandali lang! Sayang unlicall ko kapag hindi kita nakausap. Uhmm. Ibig kong sabihin, kapag hindi kita nagpagtripan. Hahaha
Rachel: Pagtripan? KDOT. Hindi ka nakakatuwa. Bye na nga. Magrereview pa ako.
Kevin: Sa Saturday simula ng therapy mo. Sasamahan kita ha.
Rachel: Sige. Matagal pa ba bago ako makalakad?
Kevin: Hindi. Madali na lang. Manalig tayo sa Kanya.
Rachel: Amen. Relihiyoso ka niyan? Hahaha.
Kevin: hindi naman. Nagmana lang ako sa Mama ko. Bat tumatawa ka?
Rachel: Wala.Pareho lang tayo. Relihiyosa rin ako e.
Kevin: Odi bagay tayo.
Rachel: May sinasabi ka?
Kevin: Wala. Hahaha. Sige. Bye na. paumanhin sa pagiging makulit, masungit at gwapo. Sunduin kita bukas ah. Huwag kang masungit, lalong nakakapangit. Good Night.
Scene 9
Sa school, habang papunta sila sa room…
Rachel: Bilisan mo ang pagtulak.
Kevin: bakit? An gaga aga pa. Hindi pa tayo late.
Rachel: may miting kasi tayo. Kaarawan ni Mrs. Corpuz bukas.Siya yung principal ng school. Pag uusapan natin kung paano natin siya isusurpresa.
Kevin: bakit kaylangan tayo pa?
Rachel: Bago ka lang pala dito. Anak niya si Riza. Yung kaklase natin na maarte. Syempre nasa section natin yung anak niya, kaya dapat manguna tayo sa surpresa.
Pagdating sa klasrum ay sinimulan nila ang miting. Nanguna ang kanyang anak na si Riza. Si Riza ay sikat rin sa kanilang eskwelahan. Simula kasi grade one ay doon na siya nag aral. Maganda, matalino, matangkad at kasama sa sossy group.
Riza: Klasmeyts, anong magandang gawin para sa birthday ni Mommy?
Faye: Magpadisco tayo.
Riza: Ang pangit naman. Napakacheap.
At nagtawanan ang ibang mga kaklase. Napagdesisyunan na sina Riza, Ashley, Kevin at Rachel ang mamamahala sa surpresa nila kay Mrs. Corpuz. Napakabusy buong araw ng apat. Bumili ng gamit, nag ayos ng dekorasyon at iba pa. natapos rin naman ng maayos ang surprise birthday party para sa nanay ni Riza.
Scene 10
Nagkakamabutihan na sina Rachel at Kevin. Nakakapaglakad na rin si Rachel. Nagpapasalat ito kay Kevin. Nagiging inspirasyon niya na ito. Bilang kaibigan. Isang araw, bago sila umuwi, may ibinigay si Kevin.
Kevin: regalo ko sayo.
Rachel: Salamat. Pero para saan?
Kevin: Sa lahat. Sa pagiging mabait mo na. Kasi magkaibigan na tayo. Sa pagtanggap mo na gwapo ako.
Rachel: Ikaw talaga. Iyon lang. Madrama lang ne? Buksan ko na, pwede?
Kevin: Sige!
Tinanggal nan i Rachel ang ribbon na nakatali sa box. Pagbukas nito, nagulat siya. Napasigaw. Itinapon niya yung nasa loob ng box. Napaiyak siya dito.
Kevin: okay ka lang, Rachel?
Rachel: Bakit daga yung regalo mo? Peke man yan o hindi, takot ako doon e. Akala ko pa naman magkaibigaan na tayo. Hindi ka na nagbago.
Kevin: Sori na. I love you!
Rachel: Huh?
Kevin: narinig mo naman siguro yung sinabi ko. I LOVE YOU. Mahal kita. Sorry na.
Si Rachel ay nakatulala lang sa mukha ni Kevin. Hindi niya alam kung anong sabihin. Hindi niya alam kung anong tamang reaksyon niya.
Kevin: UY. (binasag ang katahimikan)
Rachel: hahaha. Kung magbiro ka talaga, wagas.
Inilapit ni Kevin ang kanyang mukha sa mukha ni Rachel.
Kevin: Sa tingin mo, nagbibiro ako?
Umiwas ng tingin si Rachel. At muling nagsalita si Kevin
Kevin: Rachel, pagkatiwalaan mo ako. Hayaan mong patunayan ko sayo na mahal kita.
Rachel: Hindi na ako natutuwa. Tara na, umuwi na tayo.
Kevin: Maniwala ka na sa akin oh?
Nag aalangan si Rachel. Gusto niya na parang ayaw niya. Una, dahil kaibigan na niya na ito. Pangalawa, gusto siya ni Ashley. Pangatlo, takot siyang masaktan ulit.
Rachel: Ayoko. Respetuhin mo sana itong desisyon ko. Madaming magagalit, maiinis, magtataka, mag…
Kevin: Wala akong pakealam. Basta mahal kita!
Rachel: patawarin mo ako. Hindi pwede. Ayoko. (tumalikod at unang umalis)
Simula ng araw na iyon, hindi na nagpapansinan ang dalawa. Hindi na sila makatitig sa isa’t isa. Inaamin ni Rachel, namimiss na niya si Kevin. Dahil siguro sa kakulitan niya noon pa man.
Scene 11
Isang araw, may sinalihan na contest si Rachel. Singing contest sa plaza. Ang premyo ay gitara. Tagal na kasi niyang pinapangarap na magkaroon ng gitara. Halos araw araw ay nagpapractice siya. Mala- Sarah Geronimo kasi ang boses niyaAraw nan g paligsahan, biglang nagkasipon at ubo si Rachel. Napag desisyunan niyang hindi na sumali sa paligsahan. Dahil panigurado, mapapahiya lang siya. Pumasok siya sa eskwelahan. Halata sa mukha niya ang lungkot. Nakalat na rin sa eskwelahan ang balita. Ikinagulat ni Kevin ang balitang iyon. Dahil alam niya kung gaano nagpraktis ng mabuti si Rachel. Habang naglalakad si Rachel at si Ashley pauwi…
Ashley: Friend, nuod tayo ng contest?
Rachel: Nang iinsulto ka ba? Maiingit lang ako. Uuwi na lang ako at magpapahinga.
Ashley: Sige na. Gusto kong manuod eh. Please??
Hindi niya matanggihan si Ashley.
Rachel: Sige na nga. Baka kapag nasa bahay lang ako, magmukmok lang ako.
Ashley: Salamat! Kasama pala natin si Miggy. Yung bago kong manliligaw.
Habang nanunuod sila, hindi niya matanggal sa isip niya si Kevin. Namimiss na niya ito. Kung nasa tabi lang niya ito, baka masaya na rin ito kahit papano. Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nila. Nasira lang dahil sa pag ibig. Mahal niya ito, pero pinili niyang talikuran ito para kay Ashley. Simula kasi ng nagkagusto sila sa iisang lalaki, pinangako nila sa isa’t isa na hindi na iibigig muli sa isang tao. Pagkatapos Kumanta ng pangalawang kalahok, gusto na niyang umuwi. Ayaw na niyang hintayin ang pangatlong kalahok. Dapat kasi siya ang kakanta. Tumalikod na siya para umalis. Biglang nagsalita ang host.
Host: Ang susunod na manlalahok ay isang lalaki. Siya si Mr. John Kevin Santiago. Palakpakan natin!
Nagulat si Rachel. Narinig niya ang pangalan ni Kevin. Agad siyang lumingon. Nakita niya si Kevin sa stage. May hawak na gitara at nakatingin sa kanya. Nagsimula na siyang kumanta… mala- Bruno Mars ang boses niya. Nakatitig lang si Rachel kay Kevin. Hangang hanga siya rito. Natapos na rin siyang kumanta. Agad naming sinabi ng host kung sino ang panalo.
Host: Sa tingin niyo? Sino ang nanalo? Contestant number 1,2, o 3?
Nagsigawan ang mga nanunuod. Iba iba ang mga gusto nilang manalo.
Host: Ang nanalo, ay si… Mis…ter John Kevin Santiago. Iho, anong gusto mong sabihin sa lahat?
Kevin: una sa lahat, Lord, salamat po. Sa lahat ng nanuod ng performance ko, Sa lahat ng fans ko, salamat. Hindi ko ineexpect na manalo ako. Itong gitara na ito, ay para sa iyo… Rachel.
Host: Sino si Rachel? Nandito ba siya? Maaari ba siyang umakyat sa stage?
Agad bumaba si Kevin at lumapit kay Rachel. Hinwakan niya ang kamay ni Rachel at hinila para pumunta sa stage.
Host: Ang ganda naman ni Rachel. Congrats, Rachel.
Kevin: may gusto akong sabihin kay Rachel.
Host: Sige.
Kevin: Rachel, nanalo ako dahil sayo. Nanalo ako para sayo. Ikaw ang naging inspirasyon ko kaya sumali ako sa contest na ito. Nung nabalitaan ko na nagkasakit ka kaya hindi ka makakasali sa paligsahan, agaad agad kong kinausap yung organizer ditto para ako na ang sumali. Itong gitara na pinalanunan ko, para sayo. Mahal na mahal kita. Sa pangalawang pagkakataon, Pwede ba kitang maging kasintahan?
Host: Anong gusto mong sabihin, Rachel? Madlang tao, anong gusto niyong marinig?
At nagsigawan sila.. “SAGUTIN MO NA! SAGUTIN MO NA!”
At kinuha ni Rachel ang microphone… Oo, Kevin. Tayo na. Tayo na. mahal na mahal kita. Natakot ako noong una. Pero ngayon, ipaglalaban na kita. Salamat.
At nagyakapan sila sa harap ng madaming tao. Naging okay na kay Ashley. Alam kasi niyang mahal na mahal ni Rachel si Kevin!
Si Charmaine, friend ko. Nakaaway ko. Nainis ako sa kanya. Madaming kasalanan na hindi ko maintindihan. Simula dun sa Set up ng cellphone na kunwaring nawawala, dun sa Group dance na may nanlaglag. Dun sa nag uusap na hindi sinasama kaya kinuha yung notebook, dun sa ticket ng pizza, at dun sa pagjojoke na nakakatawa.
Tagal naming hindi nag usap. Simula nung bago debut ni Bamba. Napuno na talaga ako nung sa Pizza. Naisip ko na kapag nagalit ako, she will change. kaya sinimulan ko na. Many things change. Pati ang group of friends namin. I really feel yung hati.
Gusto na ng mga kasama ko na magbati kami. kaya napag usapan sa canteen. iniwan kami sa isang mahabang table at hinayaang mag usap. Galit na galit pa ako nun. Walang balak magpatawad. Nagsorry siya. Sabi ko ayoko. alangan naman na tanggapin ko but deep inside galit pa rin ako. kaya ayun. that day din yata na binigyan niya ako ng kisses na kinain ng Chem teacher and ng classmate ko. :) Di ko naman kaylangan ng chocolate para mawala high blood ko sa kanya e.
Tapos kanina… ( December 9, 2011) Gusto nanaman niya akong kausapin. Syempre I’m not still ready. Hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko at wala na akong matandaan kasi matagal na nga. 1st semester pa yun kaya dapat kalimutan na. Ayun. Nagreason out siya… And I realized na sige. Tutal ilang beses na siyang nagsorry, i have to forgive her. tutal she’s my friend. And she gave me this Toblerone chocolate. Wala akong balak tanggapin yun kasi di naman ako matakaw sa chocolate, tapos malaki pa yun, tapos ayoko talaga. Parang suhol para lang mapatawad. Ayun. Tinanggap ko na para masabing napatawad ko na siya. And I really do forgive her. Sana narealize niya lahat ng wrong niya at magamit niya sa future. :)
Natural spontaneous behaviour on festive occasions has been the source of song, music and dance since time immemorial. Through years of performance English Folk Dance has become an established and recognised part of local tradition. Local inventiveness has developed its special characteristics so that the dance, like language, comes in many varieties. There have been several main strands to its development, social dancing (men and women together); Step dancing; Morris dancing; Sword dancing - and each of these strands can be further subdivided.
In Medieval times people would ‘carole’ i.e. link hands in a line or a circle and sing as they danced to provide their own accompaniment. The introduction of musicians enabled them to save their breath somewhat! Other dance formations developed and social dances, even from Tudor times, have been preserved. Also available are many of the printed dance collections from the mid-seventeenth century onwards. Needless to say, at the time of the Commonwealth the Puritans considered dancing a sin and tried to stamp it out altogether. However, it is known that even Oliver Cromwell danced until the early hours of the morning at his daughter’s wedding!
We can read descriptions of certain country dances in the works of writers such as Jane Austen, Charles Dickens and Thomas Hardy. Although the Victorian era saw a shift towards couple dances brought in from the continent eg the waltz and the polka, there was a strong revival of interest in traditional English folk dance, song and music in the late nineteenth/early twentieth centuries with the work of Cecil Sharp and Mary Neal being of particular importance.
Until relatively modern times folk dances (or Country Dances) were a part of Court life, just as much as of peasant life. Continental influences were successfully assimilated, just as some aspects of folk dancing have, in turn, been incorporated into other later forms of dance. Anyone joining in the ‘Conga’ or the ‘Hokey Cokey’ is simply reflecting the activities of the medieval carollers, whether they know it or not!
English Folk Dancing is still around, with a sizeable minority of the population interested and regularly involved. A much greater proportion comes into occasional contact with it - as shown by the regular demand for bands and callers to run barn dances, hoedowns, knees-ups and ceilidhs. Charities, schools, churches, social groups and wedding parties are frequent ‘customers’.
Besides belonging to a local folk dance club one has the opportunity to attend Saturday night dances, day and residential courses, and there are longer folk dance holidays on offer for those who seek the winter sunshine of the Mediterranean. Some groups of people also come together to share in ‘special interest’ types of folk dancing such as Historical Dance; the dances from John Playford’s ‘English Dancing Master’ of the seventeenth century; dances from the collections of dancing masters such as Walsh and Kynaston, and dances done to the tunes of Henry Purcell. Costumed Balls held at appropriate venues such as the Ashton Memorial, Lancaster; Towneley Hall, Burnley and Tatton Park, Knutsford have become a popular feature. Dedicated devotees regularly travel much further afield to such places as Bath, Norwich and Bury St Edmunds.
Morris, Sword, Clog and Step dancers are often to be seen at festivals, fairs and fetes - and town-twinnings have brought an unexpected boost to many.
Calling me FAKE won’t make you REAL. Calling me DUMB won’t make you SMART. Calling me WEAK won’t make you STRONG!
Ang totoong magkaibigan, hindi hahayaang masayang ang pinagsamahan nila. Hindi nila uunahan ang kakitidan ng utak nila. Hindi forever ako ang magplease sa inyo. Hindi porket kasalanan namin, kaaylangan magpaliwanag kami. NagSORRY na ako. Kung ayaw niyo, di wag.
PRIDE - problema ng grupo namin. Kaya laging may away. Nakakasawa. Nakakabobo.
Dalawang beses ng may tumawag sa akin na Nursing Student ako. Medical Technology po course ko. Yung nursing, nakaskirt. Yung Medtech, pants. ( sa CLDHEI)
come on guys, only one more day, WE CAN DO THIS! :D
PLEASE<3
(Source: thewisepickle)
Ako lang siguro nakakaramdam. Sorry. Agad agad kasi. Sana binigyan nila ako ng 1week para magreview. Ganoon na ba ako kahenyo?
Lalaban kasi ako sa Philippines Statistics Quiz Bee. Nung November 9 lang nila sinabi sa akin. November 10 na yung laban. STATISTICS PA. Di ko naman gusto yun. Busit. Algebra lang like ko e.
Paano na ako mamaya?? Anong mga isasagot ko? Nakakahiya sa school. :/